Martes, Agosto 14, 2012

Terminal 3

Na alimpungatan akong nag ba vi vrate ang alarm ng cellfon ko. 3:30am na pala. Kelangan ko nang bumangon dahil 5:20 ng umaga ang flight namin ng mga kasama ko sa trabaho. Patungong kami ng GENSAN dahil magbubukas kami ng isang tindahan. private company kami. dali dali na akong naligo at nagbihis. mabuti na lang at nakapag impake nako kagabi kayat mabilis na lang ang kilos ko ngayung umaga. Naka baba na ako ng mga 3:45 palabas ng bahay at pasakay ng taxi mabuti na rin lang at wala pang masyadong sasakyan kayat ganap na akong naka rating ng airport ng 4:10. txt txt ng mga kasama upang makapag check in na. at nang nai ayos na ang mga baggage saglit kaming nagkape sa fourth floor bago pumunta sa mag aming gates. nang kami ay patungo na sa upang magbayad ng terminal fee sa di kalayuan e me pasalubong sa amin na isang lalaki at isang babae. Naka uniporme sila ng Cebupac. wala sa luob ko na napatingin sa mukha nang una ay sa babae maganda ito kahit maliit. Sunud ay sa lalake, Matangkad ito, Matangos ang ilong at me kaputian, nagulat ako ng magtutok ang mata ko sa kanya e naka titig pala ito sa akin. bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Ha ha ha, lagot. pro di ako nagpahalata.... nagulat na lang ako ng bigla siyang ngumiti sa akin, ayos to ah, nagpaparamdam. he he he. pasimple ko syang kinindatan at lalo naman syang napangiti. na conscious tuluy ako kasi baka mahalata ng mga kasama ko ang nangyayari, discreet po ako. hay.... wala kaming nagawa kungdi magtitigan ng palihim.... di bale, sa sunud na byahe ko hahanapin ko sya. sana makita ko pa. at i kwekwento ko rin yun sa inyo. salamat sa pagbabasa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento